Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bubbles sinopla nambastos sa sexy pic

0 128

NI: VINIA VIVAR

Bagama’t madalas nating makita si Bubbles Paraiso in a sexy swimsuit sa kanyang mga Instagram post, never pa niyang ginawa ang magpa-sexy sa pelikula.

Katwiran ng actress/model/yoga teacher, may limitasyon siya talaga when it comes to doing sexy roles dahil na rin sa nagtuturo siya ng yoga sa mga bata.

“So I can’t exactly go super sexy,” sey niya in a past interview.

Ang pagpo-post daw niya ng mga sexy photo sa kanyang social media ay hindi para ipakitang hot siya or sexy siya kungdi para ibahagi ang mga transformation na nangyayari kapag may changes siyang ginawa sa kanyang diet, work-out or lifestyle.

Sa mga post nga ni Bubbles, talagang sinasagot niya rin ang mga netizen na medyo hindi magaganda ang komento.

Like recently ay may nagkomento sa kanyang sexy photo na “you’re so yummy” at sinopla niya talaga ito.

“Not food so that is not an adjective to describe a person,” sagot ni Bubbles. Humingi naman ng dispensa ang netizen.

Bihira ring tumanggap ng showbiz projects si Bubbles at mukhang mas busy siya sa kanyang pagiging yoga teacher. Huli siyang napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano early this year after a long hiatus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.