Abante Tonite Interactive

Bubuhos ang pera sa mga gold medalist — Palasyo

482

Aasahan ang pagbuhos ng ­biyaya para sa mga atletang ­Pinoy na nakasungkit ng medalya sa ­ginaganap na Southeast Asian (SEA) Games sa bansa.

Ito ang inihayag ni ­Presidential ­Spokesman ­Salvador Panelo ­kasunod ng ­sunod-sunod na panalo ng Team Philippines sa iba’t ibang kategorya ng ­sinalihang sports.

Ayon kay Panelo, gaya ng ­ipinangako ni ­Pangulong Rodrigo Durterte, may katapat na premyo ang mga napanalunang medalya ng mga atleta bukod pa sa prestiyosong Lapu-Lapu award.

“According to the President, he will award the Lapu-Lapu Award. He will give Lapu-Lapu Awards to winning sportsmen and women plus incentives. Meaning, there will be financial windfall,” ani ­Panelo.

Muling ipinaabot ng Palasyo ang pagbati sa ­panalo ng mga atleta kung saan ipinakita ang galing at ­kakayahan ng mga ito sa larangan ng palakasan.

“We congratulate those who won ­medals – gold, silver and bronze. They have performed ­exceedingly well and that showcases the ­Filipino talent and the genius for excelling in sports,” dagdag pa ni Panelo.

Masaya ang Malacañang sa ipinapakitang magandang performance ng mga atletang Pinoy sa ginaganap na SEAG sa bansa.

Sa harap na rin ito ng sunod-sunod na gold medals na nasungkit ng Filipino athletes sa unang araw pa lamang ng SEA games.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador ­Panelo na nagbunga na ang mahigpit na training ng mga atleta sa ipinamalas na performance dahil nilagpasan pa ang record ng Malaysia sa dami ng nasungkit na gintong medalya sa unang araw ng SEA games noong 2017. (Aileen Taliping)