Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bubuo sa Gilas problema ng SBP

0 258

HANGGANG ngayon ay problem pa rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang komposisyon ng Gilas Pilipinas na isasabak sa Korea at Thailand sa Nobyembre sa FIBA Asia Cup Qualifier.

Napag-alaman kay Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial na tanging hiniling ng SBP na makasama ang mga propesyunal na miyembro sa bubuuin nitong koponan ay para lang sa February 2021 bubble.

“Ang binanggit sa amin ni SBP president Al Panlilio ay February, and we’re committed to that. Walang pagbabago sa commitment ng PBA sa SBP at Gilas,” sabi ni Marcial.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi din maaaring lumabas ang mga manlalaro ng 12 miyembrong koponan ng PBA sa isasagawa nitong bubble sa loob ng dalawang buwan base sa safety guidelines at health protocol na itinakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Halons dalawang buwan na lamang bago ang nakatakdang pagsagupa ng Gilas Pilpinas sa qualifying event para sa Nobyembre subalit walang abiso sa PBA kung isasama nito ang mga dating miyembro ng national squad.

Inaasahan na bubuuin ng mga top player sa collegiate league ang Gilas Pilipinas na makakasagupa ang Korea sa Nobyembre 27 at ang Thailand sa Nobyembre sa hindi pa tinutukoy na lugar na paggaganapan ng FIBA bubble. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.