Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bucks guard Donte tapos na ang season

0 193

LUMABAS sa MRI nitong Sabado na isang torn ligament injury ang tinamo ni Milwaukee Bucks shooting guard Donte DiVincenzo sa Game 3 ng kanilang serye kontra Miami Heat.

Dahil dito, hindi na makakalaro sa mga natitirang bahagi ng kasalukuyang season si DiVincenzo, na siyang starting shooting guard ng Bucks.

Sumalaksask si DiVincenzo sa ikalawang quarter ng kanilang huling laban kung saan tila namali siya ng tapak at bigla na lamang namilipit sa sakit.

Inakala ng koponan na left foot contusion lamang ang iniinda ng manlalaro ngunit ibinunyag ng MRI na malala na pala ito.

Naga-average siya ng 10.4 points, 5.8 rebounds at 3.1 assists, na siyang pinakamaganda niyang performance sa kanyang tatlong taong karera sa NBA.

Bagaman hawak ng Bucks ang 3-0 na bentahe kontra sa Heat, malaking kawalan pa rin si DiVincenzo sakaling umabante sila sa second round ng playoffs. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.