Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bucks susuka ng bilyon kay Giannis

0 104

Taranta ngayon ang Milwaukee Bucks para lang mapanatili sa kanilang poder ang reigning NBA MVP na si Giannis Antetokounmpo.

Matapos magparamdam si Giannis ng pagkadismaya sa laglag ng Bucks sa playoffs nang patalsikin ng Miami Heat, kaagad na nagpatawag ng meeting ang koponan para maagang maligawan ang do-it-all forward.

Ayon kay ESPN insider Adrian Wojnarowski, siniguro ng Milwaukee na handa silang gumastos ng malaki para mabigyan ng mas malakas na teammate si Giannis, ibig sabihin ay preparado ang Bucks na sumobra sa kanilang $132.7M luxury tax o higit P6B para lamang makumbinsi si ‘Greek Freak’ na huwag mag-alsabalutan.

Sa susunod na season ang huli na sa kontrata ni Antetkokounmpo para sa Bucks, kaya siyang bigyan ng offer na super-max deal na $233M ngunit maari ring tumanggi at pumasok sa free agency kung saan ilan sa mga matunog na nag-aabang sa kanya ay ang Miami Heat at Golden State Warriors.

Nagulantang ang NBA world nang biglang i-unfollow ni Giannis sa social media ang kanyang mga teammate at ang Bucks, kaya’t nabuo ang mga espekulasyon na ayaw na nito sa koponan.

Ngunit matapos ang kanilang serye kontra Heat ay giniit ni Antetokounmpo na hindi siya manghihingi ng trade, pero nais na magkaroon ng pagbabago sa Bucks sa susunod na season. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.