Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bucks walastik, Giannis talsik

0 501

Napikon si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks kay Mo Wagner ng Washington Wizards sa laro nitong Martes.

Nakabingwit ng charge si Wagner mula kay Antetokounmpo, nagkagirian ang dalawa at kinailangang paghiwalayin.

Pero hindi natigil ang dakdakan, hanggang magsalubong muli.

Binigyan ni Antetokounmpo ng malutong na headbutt si Wagner.

Medyo may arte si Wagner, pero headbutt talaga.

SM food to go Banner Ad

Pinituhan ang back-to-back MVP candidate ng flagrant foul 2 at ejected sa laro second quarter na pinagwagian pa rin ng Bucks, 126-113.

May kasamang one-game suspension ang F2 ng cager na nagbalik mula sa isang larong pahinga sa pagpapabunot ng ngipin noong Lunes kung saan tumaob ang Milwaukee kontra Toronto Raptors, 106-114.

Mabuti lang, may isang laro pa sa seeding games ang Bucks at hindi sa playoffs bubunuin ng Greek Freak ang suspension. Selyado na ng Milwaukee ang No. 1 seed sa East, huling asignatura ang Memphis Grizzlies na naghahabol ng playoff spot sa West.

Kontra Wizards, tumagal lang ng 10 minutes si Antetokounmpo pero naglista ng 12 points at 9 rebounds. Nanguna ang 24 points ni Brook Lopez sa Bucks, umayuda ng 23 off the bench si Sterling Brown.

Pasabog ng 20 points si rookie Rui Hachimura sa Wizards, may 19 si Ish Smith. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.