Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BuCor: Harang na pader sa Muntinlupa gigibain

0 95

Gigibain na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang itinayo nilang pader malapit sa New Bilibid Prison (NBP) kung saan naharangan ang daanan ng mga residente ng Muntinlupa City papuntang city proper.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, papalitan na lamang nila umano ito ng isang control gate, na orihinal na planong itayo.

“The BuCor, after consultations with the [Department of Justice], will remove the road block off the Katarungan Villages as soon as a control gate, which was the original plan, has been put,” pahayag ng kalihim.

Aniya, tatanggalin nila ang nakaharang na pader sa lalong madaling panahon.

“Once in place, they will remove the concrete barriers,” dagdag ni Guevarra.

Magugunitang nagtayo kamakailan lang ang ahensiya ng pader sa kalsada ng Katarungan na daanan papuntang city proper.

Hindi naman sumang-ayon ang Pamahalaan ng Muntinlupa, saka giniba ng mga residente ang nasabing harang na pader. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.