Abante Tonite Interactive

BuCor lagyan ng check and balance sa korapsyon

213

Inihayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na kanilang pinag-aaralan ang paglalagay ng isang mekanismo sa Bureau of Corrections (BuCor) para masolusyonan na ang korapsyon sa ahensiya.

“I just felt that in any corruption-prone agency, an adequate check-and-balance mechanism should be in place,” ani Guevarra.

Kinakailangan din aniyang isailalim muli sa pag-aaral ang batas na nagpatibay sa BuCor at nagresulta naman sa nabawasang kontrol ng DOJ sa ahensya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10952 na pinagtibay noong 2013, kabilang ang BuCor director sa binigyan ng kapangyarihan para magkaloob ng good conduct time allowance (GCTA) sa mga preso.

Ayon naman kay DOJ spokesman at Undersecretary Markk Perete, ang nasabing batas ang ginamit na batayan ng BuCor sa pagsasabing hindi na kinakaila­ngan ng ahensya ang mag-abiso o paaprubahan sa kalihim ng DOJ ang pagpapalaya sa mga preso sa pamamagitan ng GCTA. (Lorraine Gamo)