Abante Tonite
Mabilis sa Balita

BuCor tatalupan sa pagkamatay ng mga preso

0 477

Ipinatawag ngayong Lunes ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga opisyal ng Bureau of Correction (BuCor) para magpaliwanag kaugnay sa pagkamatay ng high profile inmate sa New Bilibid Prison (NBP) noong Sabado.

Pinadalhan ng summon ni Guevarra si BuCor Director General Gerald Bantag para magpaliwanag kaugnay sa pagkamatay ni Jaybee Niño Sebastian at iba pang mga inmates sa iba pang kulungan dahil sa COVID-19.

Sa ulat nabatid na nasawi dahil umano sa coronavirus ang high profile inmate na si

Sebastian noong Sabado at kaagad na i-cremate ang bangkay nito.

Nakasulat umano sa death certificate ng NBP hospital na ” acute myocardial infarction ” na kumplikasyon ng COVID-19, ang ikinamatay ni Sebastian.

Wala umanong isinagawang awtopsiya at ang bangkay ay dinala sa crematorium sa Cavite.

Magugunita na si Sebastian ay tumestigo sa isinagawang pagdinig ng House of Representative laban kay Senator Leila de Lima at sinabi na protector ito ng iligal na droga. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.