Abante Tonite Interactive

Buddy, Bogdan pinasan ang Team World vs US

By
1,357

Nilampaso ng Team World ang Team US 155-124 sa Rising Stars Challenge ng All-Star weekend nitong Biyernes sa Staples Center sa Los Angeles.

Nagsabwatan ang Sacramento Kings teammates na sina Buddy Hield at Bogdan Bogdanovic para ihatid sa panalo ang World.

Si Bogdanovic ang tinanghal na MVP matapos magkamada ng 26 points sa likod ng pitong 3-pointers, may 29 points si Hield bulto mula sa limang naipasok sa labas ng arc.

Pasiklaban ang top rookies a second-year players sa pambungad na aktibidad ng three-day All-Star extravaganza. NBA record nang sa LA ginanap ang event sa pang-anim na pagkakataon.

Naglista ng 23 3-pointers ang World, apat na sunod na taon nang inaari ang team US.

“I’m proud to see a lot of guys around the world from France, Australia, you have (Joel) Embiid from Cameron,” ani Hield. “Everybody is showing progress, and the world is showing progress catching up to American basketball.”

Hindi nasabayan ng 10-man American team ang counterpart nilang pinagsama-samang players mula sa iba’t ibang bansa na nasa NBA.

Walo sa World ang tumabo ng double figures, kabilang ang 21 ni Jamal Murray.

Pinangunahan ng 35 points at 10 rebounds ni Jaylen Brown ang US, may 20 si Lakers rookie Kyle Kuzma.