Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Budget lumobo pero Pinoy pobre pa rin – Lacson

0 117

Hindi makita ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kung saan napupunta ang pondo ng gobyerno na aniya’y tumataas kada taon pero patuloy naman sa paghihirap ang mga Pinoy.

Sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live kay Lacson, sinabi nito ng senador na malaki na ang depirensya ng national fund noong una siyang maging senador kumpara ngayong 2020.

“Noong unang naging senador ako noong 2001, ang national budget sa unang taon ni (dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo), P800 billion lang,” lahad ni Lacson, “Eh from 2001 fast forward tayo ngayong 2020 or 2021, ang national budget natin ngayon ay P4.1 trillion.”

Dahil dito, hindi maiwasang maisip ni Lacson kung bakit tumataas ang pondo ng national government ngunit nananatili pa rin ang pagdami ng mahihirap na kababayan sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang sabi ko nga gumala tayo sa Pilipinas, hanapin natin ‘yung karapatang halaga ng differential between P800B noong 2001 from P4.1TT na lang kamo para sa 2020, may nakita ba tayong commensurate na development sa countrysides… o sa pamumuhay ng ating mga kababayan, parang kapos na kapos,” paliwanag ni Lacson.

“Saan napunta ‘yong taon-taon tumataas ‘yung national budget pero hindi natin makita iyong development ika nga sa pamumuhay ng mga kababayan natin kasi yung poverty nandiyan pa,” aniya pa.

Hinambing din ng senador ang estado ng Amerika na may nasa P27 trilyong utang ngunit aniya, nakikita naman ang development sa kanilang bansa tulad ng mga pinatayong highway.

Sa Pilipinas aniya, mga private entity pa ang nagpapatayo ng mga expressway na binabayaran din ng toll ng mga Pilipino. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.