Abante Tonite Interactive

Budget ng PAO forensic ‘niyari’ — Acosta

241

Sinadya umanong alisin ng Kongreso ang P19.5 milyon budget ng Public Attorney’s Office (PAO) para sa Forensic Service para gantihan si Chief Persida Rueda-Acosta.

“Hindi ako ang biktima dito, ang biktima ay iyong mga kliyenteng umaasa sa PAO, sila ang maapektuhan kapag hindi naibalik ang naturang budget,” ayon kay Acosta.

Sinabi pa ni Acosta na hindi sa pagdinig ng budget ang laban kundi sa korte.

Hindi lamang umano mga nabiktima ng dengvaxia ang sineserbisyuhan ng PAO kundi maging ang ibang kaso lalo na kapag nabiktima ng mga pulis.

“Alam naman ninyo kung sino ang may pakana niyan, iyong mga nasa likod ng kontrobersiya ng dengvaxia,” Ani pa Acosta.

Ang nabanggit na budget ay nakalaan sana sa pambili ng mga makabagong teknolohiya na gagamitin ng PAO sa operasyon ng mga doktor, med tech, dentista sa kanilang forensic service. (Juliet de Loza-Cudia)