Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Budget sa Davao, proteksyon kontra NPA – Esperon

0 59

Ang P1.58 bilyong alokasyon para sa piling barangay sa Davao City ay magdudulot ng kaginhawahan hindi lamang sa siyudad kundi sa buong Davao Region at Mindanao.

Ganito pinagtanggol ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. ang pondo para sa 83 barangay sa Davao City sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP).

Ayon sa datos ng Armed Forces of the Philippines, ang Davao City ay napaliligiran ng mga probinsiya kung saan laganap ang puwersa ng New People’s Army (NPA) na posibleng makaengganyo para sumali

ang mga residente na umanib sa rebeldeng grupo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bilang tugon, sinabi ni Esperon na kailangang bigyan ng mabuti at maayos na buhay ang mga tao sa nasabing lugar upang di mahikayat na umanib sa kilusan.

“Should Davao City succumb to the New People’s Army (NPA), so goes the rest of Mindanao. This development program will uplift the plight o the people affected by arm conflicts in the identified barangays nationwide. These fund will bring projects which will help them bring their lives to normalcy,” ani Esperon, vice chairman ng NTF-ELCAC.

Mariing sinabi din ni Esperon na ang pagpili ng mga barangay na isasailalim sa BDP ay mabusisi at base sa rekomendasyon ng lokal na pamahalaan at mga ahensiya.

Ilan sa mga barangay na unang isinali ng Regional task Force XI ng NTF ELCAC ay ang Magtuod, Tapak, Colosas, Salapawan, Lumiad, Maula, Panalum, Mabuhay, Tibuloy, Salaysay, Malamba, Guitan, Biao Joaquin, Talandang and Dominga. Umaabot na din ang bilang sa 83.

Leave A Reply

Your email address will not be published.