Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Budget sa mental health tinipid – Hontiveros

0 98

Kinuwestiyon ni Senadora Risa Hontiveros ang napakababang 2021 budget allocation para sa mental health-related medicine kung pumapatak na P23 lang bawat Pinoy ang nakakaranas ng mental health illness.

Ayon kay Hontiveros, ang naturang alokasyon ay mahigit P84 milyon o kalahati sa naunang inisyal na hiling ng Department of Health (DOH) sa Department of Budget and Management (DBM).

“Mental health medication is some of the most expensive maintenance drugs. Ang daming nawalan ng trabaho. At sa totoo lang, baka mas uunahin nilang tugunan ang kumakalam na sikmura ng pamilya kaysa pagkagastusan ang mga gamot,” sabi ni Hontiveros sa isang statement.

Sa kasalukuyan, ani Hontiveros, may 3.6 milyong Pinoy ang nakakaranas ng mental health disorder.

“I support the DOH in pursuit of a higher budget for mental health. Panahon ito ng stress, uncertainty, isolation at gutom. 3.6 million suffering is not only an underreported count, it’s also increasing everyday,” ani Hontiveros. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.