Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Budget ‘Wag idamay sa Lord-Alan war: Pag na-delay kasalanan nyo – Sotto

0 170

MISTULANG binaterya ni Senate President Tito Sotto ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na nag-aaway-away dahil sa agawan sa pagka-Speaker.

Ayon kay SP Sotto sa panayam kahapon sa radyo, walang nag-away sa term sharing sa liderato ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Paliwanag ni Sotto sa 13th Congress may dalawang senador na nag-term sharing pero walang gulo katulad ng nangyayari ngayon sa Kamara.

“Kahit kelan sa Senado na may term sharing na pinag-usapan never nagkagulo. Nasunod lahat ng term sharing sa Senado, “ giit ni Sotto.

Nagamit din ni Sotto ang nauusong salitang ‘palabra de honor’ bilang paglalarawan sa kanilang pagkilala sa mga kasunduan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“May palabra de honor. Parang ganun, minsan lang may nangyaring ganun pero kudeta,” sabi pa ng Senate President.

Kasabay nito ay nagpasaring si Sotto sa Kamara at pinaalalahanan sa kanilang tungkulin partikular sa usapin sa budget.

“Yung diskusyon nila doon ayoko pakialaman yun, hayaan mo na sila.. as far as the budget is concern, basta ipasa nila ng 1st week of October,” paalala ni Sotto.

Sakali aniyang magkaproblema sa pagpasa sa budget ay huwag silang sisihin.

“Pag dinelay nila ‘wag nila kami sisisihin later on. Katulad nung nagpalitan sila ng leader, tapos sisihin kami, wag ganun pag nadelay sila sila ang may kasalanan wag kami,” ayon pa sa Senate President.

Leave A Reply

Your email address will not be published.