Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Budol-budol gang kinorner sa Bulacan

0 489

Laglag sa kamay ng mga operatiba ang apat na miyembro ng Budol-Budol Gang makaraang makapambiktima sa Bustos, Bulacan kamakalawa.

Kasong estafa ang kakaharapin ng mga suspek na sina Albert Mendoza, 61; Rommel Mata, 53; Roberto Gallardo, 61; at Milagros Zapra, 52. Sa ulat ng pulisya, alas-3:45 Biyernes ng hapon nang makatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa grupo ng Budol-Budol na nambibiktima sa mga residente sa nasabing bayan.

Naharang ng mga awtoridad ang mga suspek na lulan ng Toyota Corolla na may plate number WEB-741 sa Brgy. Tibagan. Bago ito, isang negosyante ang humingi ng tulong sa pulisya dahil nahipnotismo umano siya ng mga suspek at pinangbayad ang pekeng $100 bill kapalit ng frozen goods na manok.

Iniharap kay Bustos Mayor Francis Albert Juan ang apat na naarestong suspek dahil sa kanilang panloloko sa mga residente sa nasabing bayan. Umamin ang mga ito sa kanilang panloloko at nakumpiska sa kanila ang dalawang piraso ng pekeng $100 bill. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.