Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Budul-budol umiskor sa babaeng senior

0 137

Naghihinagpis ang isang senior citizen na empleyada matapos matangayan ng P200 libong piso ng tatlong miyembro ng `Budol-budol Gang’ sa San Pedro City, Biyernes ng hapon.

Ayon sa biktimang si Elvira Libron, 62, taga-Pacita Complex, Barangay Nueva, sa hindi niya malamang dahilan, napag-withdraw siya sa bangko ng tatlong suspek na kinabibilangan ng dalawang babae at isang lalaki at ibinigay sa mga ito kapalit ng isang bag na umano ay naglalaman ng “pera”.

Ayon sa biktima, lumapit sa kanya ang babaeng suspek na nagpakilalang taga-Mindoro. Humingi ito ng tulong para makabili ng gamot sa asawang naka-confine umano sa Westlake Medical Center sa naturang lungsod.

Sumakay sila sa isang van kung saan nakasakay ang isa pang babae at lalaking driver.

Doon na sinabi ng mga suspek na kelangan nilang maideposito ang “pera” na nasa loob ng bag na ipagkakatiwala nila sa biktima kung makapagbibigay ito ng P200,000.00.

Matapos makapag-withraw ang biktima at maibigay ang pera, mabilis nang umalis ang tatlo.

Ganoon na lamang ang panlulumo ng biktima nang makita na isang bente pesos at mga ginupit na papel ang laman ng bag.

Hindi rin nito maipaliwanag kung bakit nakumbinsi siya ng tatlo na mag-withdraw ng pera. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.