Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buenafe inakay ang MisOr

0 37

Pumoste si Philippine Basketball Association campaigner Ronjay Buenafe ng 30 points, 7 rebounds at 3 steals para buhatin ang MisOr Brew Authoritea sa pagpapaamo sa Kapatagan Buffalo Braves, 111-105, sa Chooks-To-Go 1st Pilipinas VisMin Cup 2021 Mindanao leg prelims sa Pagadian City Gym Linggo ng gabi.

Sa second straight victory, inakbayan ng MisOr sa fourth place ang JPS Zamboanga City sa identical 2-1 win-loss slate sa nine-team Minadanao tournament.

Sumapalampak naman ang Braves sa pang-anim na puwesto sa 2-2 na pinangunahan ng 29 markers ni Marlon Monte. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.