Abante Tonite Interactive

Buenafe, Volcanoes pinasabog ang Giant Lanterns

411

Mga laro ngayon: (Bulacan Capitol Gymnasium)
7:00pm – Bacoor vs Imus
9:00pm – GenSan vs Bulacan

Nagsanib puwersa sa pagsambulat ng 45 points sina Ron Jason Buenafe, Alwyn Alday at Alex Nuyles nang putukan ng Bicol Volcanoes ang Pampanga Giant Lanterns, 82-70, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations Miyerkoles ng gabi sa Valenzuela City Astrodome.

Pumukol si team skipper Buenafe ng 20 points mula sa bench, agapay ng 15 at 10 markers sina starters Alday at Nuyles sa game na umahon sila sa anim na puntos na pagkaiwan, pero dumistansiya ng hanggang 15.

May malaking suporta ang bench sa opensiba ng batalyon ni coach Mon Kallos upang makatayo sa masamang simula ang Bicolanos at parehasan ang 1-1 win-loss card ng biktimang mga Kapampangan.

Bigong pinamunuan ni Michael Juico ang Giant Lanterns sa 14 pts. Bumakas ng tig-10 sina Reil Cervantes at John Dexter Maiquez.

Magpapatuloy nga-yon ang liga sa Bulacan Capitol Gumnasum sa Malolos sa paghahamok ng Bacoor at Imus sa alas-7 ng gabi, at ng GenSan ntra Bulacan.(Fergus Josue, Jr.)