Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buenavista pinakamaliit pero pinakamatinik

0 73

Natalakay ko po sa nakaraang dalawang linggo na ang top 2 greatest Pinay marathoner base sa kanilang mga naabot o record. Sila sina Mary Joy Tabal ng Cebu at Christabel Martes ng Benguet.

Sa pagpapatuloy ng aking paksa sa ating mga marathon runner, timeout po muna ako sa women’s division at bumaling muna tayo sa men’s side.

Sa mga natipon kong record at nagawa ng ating male marahoners, lumilitaw na ang pinakamatinik kahit siya ang pinakamaliit, ang five-footer na si Eduardo ‘Vertek’ Buenavista ng Sto. Niño, South Cotabato, at mag-a-42 taong gulang sa parating na Oktubre 13, ang No. 1.

Siya ang pang-anim na PH Olympian na nahg-67th place sa 81 finishers, may 20 ang nag-DNF (did not finish) sa 28th Summer Olympic Games 2004 sa Athens sa clocking na 2 hrs., 28 mins. at 18 secs.

Magkasunod siyang nakatakbo sa 15th Asian Games 2006 sa Doha, sa paglagag sa 12th sa 19 finishers (may tatlo ang nag-DNF) sa oras na 2:25:50, at sa 2010 Guangzhou Asiad sap ag-upo sa ika-17 sa 18 nakatapos, may 4 nag-DNF sa 2:45:07.

Gold medalist siya sa 25th Southeast Asian Games 2009 sa Vietnam sa 2:21:10, at nag-bronze sa 11-nation, biennial sportsfest din noong 2007 sa Thailand sa 2:27:21. Five-time National MILO Marathon king din si Vertek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.