Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buffet sa Kissimmee

0 215

Sa Old Town ng Kissimmee, Florida, malapit sa Disney World ng Orlando, isang buffet restaurant ang pinupuntahan ng maraming tao dahil bukod sa napakaraming putaheng nakahanda, napakamura pa rito.

Ang Hokkaido Buffet Restaurant ay isang Asian-style buffet eatery na may sushi, hibachi station at happy hour deals.

Pero ang pinaka-importante siyempre ay ang eat-all-you-can nila.

Mula sa sushi rolls hanggang sa seafood, umaapaw at walang humpay ang dating ng pagkain sa buffet stations. Kahit may pandemya, tumatanggap sila ng maraming nagda-dine-in.

SM food to go Banner Ad

Mayroong crawfish, alimango (pero walang takip at aligi), hipon, lapu lapu at iba pang mga isda, manok at baboy na iba’t iba ang luto, mga soup, vegetable salad, prutas at dessert. Napansin ko lang na iisa lang ang putaheng may beef.

Ang tanghalian na eat-all-you-can ay $10.99 lang o sa pera natin ay ₱549.50. Ang hapunan naman ay $12.99 o ₱649.50. Ang laki ng diprensya at hindi pa babayaran ang hindi mo makokonsumo. Sa mga buffet restaurants kasi sa Pilipinas, kapag di mo naubos ang kinuha mo, magbabayad ka ng extra. Pero dito sa Florida, walang problema kung hindi mo maubos ang kinuha mong pagkain.

Meron ding take out, at ang bayad ay $7.00 sa bawat pound ng pagkain na kukunin mo.

Wala lang silang lechon at steak, at mas masarap pa rin ang mga noodles sa ating buffet kaysa sa kanila. Kakaunti rin ang pagpipilian sa dessert station.

Sa kabuuan, mas masarap pa rin ang buffet sa Pilipinas kahit na medyo may kamahalan. Sulit din naman sa atin dahil mas masarap ang luto ng ating mga Pinoy chefs.

Leave A Reply

Your email address will not be published.