Abante Tonite Interactive

Bugbugan at barilan

304

Dear Dream Catcher,
Napanaginip kong nakikipag-away daw ako. Hindi ko kilala ang nakaaway ko sa pana­ginip. Noong una raw ay nakikipagsuntukan lamang ako pero hindi ako nakuntento at nakita ko na lamang ang sarili ko na nakikipagbarilan ako sa kaaway ko. Nagising akong inis na inis. Ano po ang ibig sabihin ng pa­naginip ko?
Ben

Related Posts

Ang iyong panaginip ay maikakategorya bilang anger dream. Ito ay simpleng paraan lamang ng iyong isip para mailabas ang mga kinikimkim na emosyon.
Ang ganitong panaginip ay paraan ng ating isip para ilabas ang mga negatibong emosyon tulad ng galit at pagkainis. Maaaring sa aktuwal na sitwas­yon ay hindi mo maipakita ang ganitong emosyon. Halimbawa, may inis kang nararamdaman sa iyong supervisor o isang kasamahan sa trabaho na may mataas na posisyon, isang kaklaseng mas malaki sa iyo at hindi mo kayang labanan. Kung meron kang ganitong mga repressed emotions, hindi kataka-taka ang iyong pa­naginip.
Sa iyong panaginip, nakaya mong suntukin ang iyong kalaban at hindi ka pa nakuntento, nakipagbarilan ka pa sa kanya at ito naman ay puwedeng indikasyon na ito ang gusto mong gawin sa tunay na buhay. Hindi naman aktuwal na gusto mong suntukin o barilin ang taong kinaiinisan mo kundi gusto mong panindigan ang inis mo sa kanya. Gusto mong sabihin sa taong kinaiinisan mo ang iyong nararamdaman kaya naman sa panaginip mo’y nailabas mo ang gigil mo at nakipagsuntukan at barilan ka pa.
Ang baril ay representasyon ng galit, takot at potensyal na pa­nganib. Ito naman ay indikasyon na sa aktuwal na buhay ay posibleng gusto mong depensahan ang iyong sarili laban sa mga taong nang-aapi o maaaring nangmamaliit sa iyo.
Ang pakikipagbarilan ay puwede ring indikas­yon na nakakaramdam ka ng pagiging defensive sa isang sitwasyon na maaaring pinagdaanan o pinagdaraanan mo.
Sa kabuuan, alamin mo sa iyong sarili kung meron ka nga bang mga tensyong pinagdaraanan sa buhay kung saan hindi mo mailabas ang lahat ng iyong emosyon. Maaaring ang mga sitwasyong ito ang nagbibigay ng stress sa iyo. Makakatulong ang pag­rerelaks at kung may mapapaghingahan ng anumang gumugulo sa iyo, gawin ito para mairelaks ang iyong isip.
Dream Catcher
***
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang espiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.