Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bugbugan purnada: Nonito sinisi si John Riel

0 107

Sila ang may problema!

Ito ang naging punto ni Pinoy boxing star Nonito Donaire sa hindi matuloy na laban nila ni John Riel Casimero.

Base sa kuwento ni ‘The Filipino Flash’ Nonito, nagpadala ang kanyang promotor ng kontrata para sa upakan nila ni Casimero ngunit depensa ng kabilang kampo ay wala silang natanggap.

“From what my promoter had stated, ipinadala na niya yung contract to their camp [Casimero’s camp] but then ang sabi nila hindi nila nakuha,” pahayag ng 38-anyos na boksingero sa Power & Play ni Noli Eala.

“So for me, my promoter has no reason to lie to me about it.”

SM food to go Banner Ad

Dagdag pa nito, nang nagkausap sila ni ‘Quadro Alas’ sa chat at inamin ng Ormoc-fighter na may problema sa kanilang promotion team.

“We know from our face-to-face on a chat with Casimero na may issue sila internally sa promotion nila,” aniya.

“Ang alam ko ngayon is may issue sila sa promotion nila. Sa kanila yung usapan but right now, we are both mandated to fight our mandatory [fights].”

Makakatapat muna ni Nonito si Reymart Gaballo habang si John Riel ay makakaupak si Paul Butler. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.