Abante Tonite Interactive

Bugbugin ng diplomatic protest

208

Dear Abante Tonite,

Itinuro sa atin ang pagiging mabuting tao at ­pakikipag-kapwa tao hindi lamang sa ating mga ­Pilipino, maging sa mga ibang lahi, ikanga, laging bukas ang ating bansa sa lahat ng lahi pagdating sa ­pakikipagkaibigan, pero alam din natin kung hanggang kelan tayo dapat magbubukas ng kamay at sasarado sakaling hindi na maganda ang ginagawa sa atin na nauuwi sa pang-aabuso.

Gayong kung tayong mga Pilipino, ang napapadaan o nalalapit sa kanilang saklaw na karagatan ay kaliwa’t kanang pagbabanta na ang nararansan natin. Idagdag pa ang “water canyon” na kanilang ginagawa maitaboy lamang ang ating puwersa na mas masakit dahil kung minsan nasa karagatan pa tayo ng Plipinas ay kanilang ng “nabu-bully”, hanggang kelan po natin ito dadanasin?

Bagama’t kung minsan ay kulang pa rin, pero saludo ako kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na walang humpay sa paghahain ng reklamo o “diplomatic protest” laban sa China.

MKaisa po ako sa patuloy na paghahain ng diplomatic protest laban sa China, umaasa rin ako na bukod sa pagkatig sa atin ng pandaigdigang hukuman ay lalambot din sa huli ang China at tuluyan tayong bitawan bilang malayang bansa sa mga kagaratang nasasakupan at unti-unti ng ma-explore ang ating yaman sa karagatan lalo na pagdaing sa usapin ng mga Langis.

West Philippine Sea! Atin Dia.

Salamat po!

Grace Carpio ng Palawan