Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bugoy pumiyok sa pedopilya isyu kay EJ

0 163

Naintriga ang pag-amin ni Bugoy Carino na may baby na sila ng volleyball star na si EJ Laure.

Pinaratangang ‘pedophilia’ umano si EJ dahil minor pa nu’ng maanakan siya ng dating Hashtag member. Kinse anyos lang noon si Bugoy samantalang 19 na si EJ.

Rumesbak si Bugoy sa tweet na “This is so wrong! I can’t believe some people are defending this!”

Lahad niya, “O ‘wag niyo raw i-defend. G na G si ate.Opo, alam namin na may mali sa ginawa namin, pero para i-judge kami basta basta? Ibang usapan na po ‘yun….

“Hindi niyo po alam buong story namin. At least ako kahit bata pa pinanindigan ko lahat ng responsibilidad ko at hindi ko po tinakbuhan,” deklara ni Bugoy.

May dagdag pang tweet si Bugoy,” Bago ka mag-judge, magaral ka muna ng LAW!”

Talbog!

Marichu yumao na

Isa na namang haligi ng showbiz ang binawian ng buhay kaya nagluluksa ang industriya.

Yumao na si Marichu “Manay Ichu” Vera-Perez Maceda sa edad 78.

Ayon sa pahayag ng Maceda family:

“With great sadness, the Maceda Family announces the passing of our beloved Mother, Maria Azucena “Marichu” Vera-Perez Maceda.She succumbed to cardio respiratory failure on September 7, 2020.

“In lieu of flowers, donations may be made in her honor to MOWELFUND.”

Si Manay Ichu ay anak ng Sampaguita Pictures producer na si Jose Vera-Perez. Naging produ rin siya ng pelikulang Batch 81.

Napangasawa niya ang yumaong Senator Ernesto Maceda at may lima silang anak.

Malaki ang naiambag niya sa Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND), Film Academy of the Philippines (FAP), Philippine Motion Picture Producers Association (PMPPA),Metro Manila Film Festival (MMFF) at Experimental Cinema of the Philippines (ECP).

Ang kanyang burol ay sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Leave A Reply

Your email address will not be published.