Abante Tonite Interactive

Buhay, ibinuwis sa kalahating buwang sahod

Part 5

By
129

Nakilala naman ang nahuling suspek na si Stanley Buenamer, 27, miyembro ng kilabot na ‘Bahala Na Gang’ at residente ng Geronimo Street, Sampa­loc, Manila.

Habang nasa kustodiya na ng awtoridad si Buenamer, patuloy naman ang pag-TUGIS ni Buaron sa isa pang suspek hanggang makahingi siya ng tulong sa Quezon City Police Station 1 sa La Loma makaraang huli niyang namataan ang suspek sa Bonifacio Avenue, sa dulo na ng Manila North Cemetery.

Hindi naman nagtagal at nasakote nina Bua­ron, kasama ang mga tauhan ng La Loma police station ang isa pang suspek na nakilalang si Jerome Lambada, 24, residente ng Dela Fuente St. Sampaloc, Manila at tulad ng kanyang kasabwat na si Buenamer ay miyembro rin ng Bahala Na Gang.

Dahil nasa ilalim na ng hurisdiksiyon ng lungsod ng Quezon ang lugar kung saan nadakip si Lambada, dinala at ikinulong muna siya sa detention cell ng La Loma police station habang hinihintay ang reklamo ng kanyang mga naging biktima sa Maynila bago siya dalhin sa headquarters ng Manila Police.

Rumesponde naman sa lugar na pinangyarihan ng pagkasawi ni Ferrarie si PO3 Jay Santos upang magsagawa ng pagsisiyasat at dito na niya inabutan si Diana David na siyang unang humingi ng saklolo sa mga nakatalagang traffic enforcer sa lugar.

Matapos namang i-proseso ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang lugar na pinangyarihan ng aksidente, dinala na ang bangkay ni Ferrarie sa PNP Crime Laboratory sa pamamagitan ng pasilidad ng Universal Funeral Parlor upang isagawa ang pag-autopsiya.

Dito na natagpuan si Ferrarie ng kanyang inang si Carolyn na halos mawalan ng ulirat dahil sa tindi ng dalamhati lalo na nang masilayan niya ang kalagayan ng kanyang anak na halos madisporma na ang mukha matapos mapailalim at magulu­ngan ng pampasaherong jeepney.

Nang malaman ni Carolyn na nadakip na ng mga awtoridad ang dalawang holdaper na res­ponsable sa pagkasawi ng kanyang anak, sini­guro niya na mapapatawan ng wastong kaparusahan ang mga holdaper at ipaglalaban niya ang kaso sa hukuman.

Ginamit naman ni PO3 Jay Santos ang kanyang kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsisiyasat sa kaso at isa-isang kinuhanan ng salaysay ang mga testigo, kabilang na si Diana David na naging biktima rin ng panghoholdap ng dalawang akusado, ang tatlong miyembro ng MTPB na sina Peter Paul De Jesus, Raymond Buaron at James Mendez na nagsagawa ng pag-TUGIS sa mga holdaper, at nakasaksi sa nangyaring pagkamatay ni Ferrarie at ang medico-legal ng PNP Crime Laboratory na si Dr. Romeo Salen na siyang nagsagawa ng pag-autopsiya sa bangkay ng biktima.

Matapos ang pagkuha sa kani-kanilang sinumpaang salaysay ng mga tumatayong testigo, isinampa ni PO3 Santos sa Manila City Prosecutors Office ang kasong robbery with homicide laban kina Stanley Buenamer at Jerome Lambada.