Abante Tonite Interactive

Buhay itinaya ng totoy sa alagang aso

348

Sa kagustuhang maisalba ang alaga niyang aso ay nagbuwis-buhay ang isang 4-anyos na batang lalaki matapos niyang subukang iligtas ang alaga niyang aso sa nasusunog nilang bahay sa Lapuz, Iloilo city.

Kinilala sa report ang paslit na si Daniel John Peralta, 4-taong gulang.
Batay sa nakalap na ulat, bago ang insidente ay napag-alamang nasunog ang bahay nila Daniel.

Maagap namang nakalabas ng bahay ang paslit ngunit nang mapansing wala ang alaga nitong aso ay muling bumalik sa nasusunog nilang bahay upang isalba ang kanyang alaga.

Abante Hiring – IT dep

Ngunit dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay hindi na nakalabas pa ng bahay ang biktima kung saan ang bangkay nito ay natagpuan sa loob ng kanilang banyo.

Dulot naman ng insidente ay tinatayang 20 pamil­ya pa ang nawalan ng tirahan.

Sa imbestigasyon hinihinalang nag-ugat ang sunog sa naiwang kandila.