Abante Tonite Interactive

Buhay kapalit ng manok

By
5

Nang dahil sa alagang­ manok ay buhay ang ­naging kapalit ng isang lalaki­ matapos bugbugin ng mga kaanak sa Maynila ­kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ferdinand De Castro, 47-anyos,­ binata­, pedicab driver, ng 877 Geronimo St., Sampaloc,­ Manila­ habang arestado sa ­follow-up ­operation si Ryan Alfaro, 37-anyos, binata, driver,­ at pinaghahanap sina­ Christopher Alfaro, alyas ‘Kiko’, 20-anyos, at isang 17-anyos na lalaki, mga kapitbahay ng biktima na tumakas matapos ang ­insidente.

Alas-8:45 ng gabi nang naganap ang insidente sa Maisan, Geronimo­ St., Sampaloc, Manila. Sinira umano ng biktima ang kulungan ng sasabunging­ manok ng mga suspek dahilan upang komprontahin ito.

Patungo umano sa ­barangay ay hinarang ang biktima ng mga suspek kung saan dito ay pinagtulungang gulpihin at paluin ng kahoy dahilan upang masawi ang biktima.