Abante Tonite Interactive

Buhay na buhay ako – Duremdes

489

Buong lakas na pinagtawanan ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Commissioner Kenneth Duremdes ang ulat hinggil sa kanyang pagkamatay umano sa Toronto.

Base sa report ng CBTVN.com, sinasabi na isang lalaki ang nasagasaan ng rumaragasang kotse sa isang lungsod sa Canada ang nakilalang Duremdes na nag-apoy naman agad sa social media Miyerkoles.

“Buhay na buhay ako at malakas na malakas,” giit ni Duremdes sa mensahe niya sa SPIN.ph, habang sinabi rin na ‘di siya napupunta sa Toronto.

Isang kuha ni Duremdes sa barber shop ang nilagay din sa MPBL Facebook page para pabulaanan ang balita.

“It’s very irresponsible malicious fake news,” panapos ni Duremdes.
Nakasaad sa ulat na, “man knocked down by vehicle in Toronto identified at retired basketball player Kenneth Duremdes.” (Lito Oredo)