Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buhay ng manggagawa ang nabuwag, hindi oligarkiya – Hontiveros

0 208

Hindi naniniwala si Senadora Risa Hontiveros na nabuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang oligarkiya sa bansa kahit hindi ito nagdeklara ng martial law.

“Hindi totoong na-dismantle ang oligarkiya. Ang na-dismantle ay ang buhay ng mga ordinaryong manggagawa. Solusyon sa krisis ang dapat hatid natin ngayon, imbes na dagdag-krisis,” pahayag ni Hontiveros.

Ayon sa senadora, sa halip n COVID-19 ang pinatigil, trabaho ng mahigit 11,000 workers ng ABC-CBN Corporation ang nanganganib mawala habang nasa gitna ng pandemya.

Hindi pa umano kasama dito ang mga maaapektuhang tricycle drivers, karinderya, manininda, at iba pang naghahanap-buhay sa may Mother Ignacia sa Quezon City.

“Dati rin ako sa media. Pero higit pa dito, ako’y Pilipino na nakikiisa sa mga kapwa ko Pilipinong nalulungkot, nagdadalamhati, at natatakot sa kung ano’ng hatid ng bukas,” sabi ni Hontiveros.

Ginawa ng senadora ang reaksiyon kasunod ng pahayag ng ABS-CB na nagsisimula na silang magtanggal ng mga kawani matapos ibasura ng House Committee Legislative Franchise ang kanilang franchise application.

“I stand with ABS-CBN workers. I stand with secure and dignified work. I stand with press freedom,” sambit pa ni Hontiveros bilang pakikiisa nito sa pighating nanararanasan ng mga manggagawa ng network. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.