Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buhay pa si Suizo

0 228

Matagal na panahon na rin, mga 3-5 taon o higit pa, na kumakalat ang mga tsismis na patay na si 1992 Barcelona Summer Olympian marathoner at two-time Southeast Asian Games (1989 Kuala Lumpur-1991 Manila) men’s marathon champion Herman Suizo ng Sta. Barbara, Iloilo.

Naririnig ko ang balita sa usap-usapan ng ilang senior long distance runners sa mga takbuhan sa Metro Manila, na hindi ko man nalahukan ay kinokoberan ko para sa Abante at Abante TONITE sa nagdaang isang dekada.

Nagtanong-tanong din ako sa mga kapwa ko kasamahan sa Runners’ Link, sa iba pang mga running club mga marathoner, runner na matagal na panahon ko na ring mga kasabayan sa bawat karerahan. May

mangilan-ngilan ang nagsabing napatay raw sa agawan sa lupa sa Iloilo ang nag-61-taong gulang nitong Enero 19.

Pero sa mga coverage ko sa Cebu City ng 9th Philippine Sports Commission-Philippine National Games 2018 at 1st PSC-Sen. Emmanul Pacquiao Cup Boys Boxing Tournament 2018 Visayas Leg Quarterfinals sa Naga City (Cebu), may mga nagsabing buhay pa ang dating national men’s marathon record holder (2:19:36, Seoul, 5th Asian Marathon Championships).

At nito lang Hunyo nakumpirma ng Turning Point sa isa ko ring kaibigang veteran internationalist marathoner at Cebu Freeman sports columnist Raffy Uytiepo, na buhay at retirado nang matahimik na nabubuhay sa Iloilo si Suizo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.