Abante Tonite Interactive

Buhay Sabungero

350

Mga kasabong may bago kayong aabangan sa Abante at Abante TONITE, ang “Buhay Sabungero” na mababasa niyo tuwing Martes, (Abante) at Huwebes (Abante TONITE).

Kasama sa mga kuwento ang mga pamahiin, paraan ng pagkokondisyon at iba pang may kinalaman sa sabong.

Sa mga nag-PM sa Facebook, dalawang sabong features po ang lumabas ngayong Linggo at salamat sa mga magagandang komento niyo sa pm.

Naging topic po sa unang labas ng “Buhay Sabungero” ang Sapola sa Abante at kahapon mga klasmeyt ang balahibo ng manok ang naging paksa sa Abante TONITE.

Subaybay lang po kayo.
***
Simula na ngayong araw ang Fiestag 2019 sa SMX Convention Center, Mall of Asia sa Pasay City. Tatagal ang nasabing event hanggang Linggo kaya makakapamili kayo ng araw kung kelan kayo may oras pumunta mga klasmeyt.
Bago kayo pumunta dapat alam niyo na kung anong bloodline ang bibilhin niyo pang breed, mas maganda kung maaga kayo tumungo para makasali kayo sa mga raffle at baka magkaroon ng free seminar sa pagbi-breed.

kaya Good Luck mga kasabong kita-kits tayo.
***

May ilalargang 2019 Luzon Breeders Cup/9-Stag Derby ‘ 4-Stag Pre-Finals sa Lunes sa Pasay City Cockpit na matatagpuan sa Antonio Arnaiz Ave., Pasay City, Metro Manila.
Baka gusto niyong puntahan, malay niyo suwertihin.