Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buhay tinaya kesa makulong

0 321

Dalawang hinihinalang drug pusher ang napatay sa anti-illegal drugs operation ng PNP sa Lucban, Quezon, Biyernes ng hatinggabi.

Kinilala ni Quezon Provincial Director Police Colonel Audie Madrideo ang mga napatay na sina Rex Carubio, 39, at Philip Natividad, 44. Parehong taga-Muntinlupa City.

Sa report, isinagawa ng Lucban police ang buy-bust operation sa Diversion road, alas 12:30 ng gabi.

Matapos makabili ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer sa mga suspek, nakatunog umano si Carubio na police ang ka-deal kaya nagkabarilan na ikinasapol at ikinasawi nito.

Tinangka namang tumakas ni Natividad at pinaharurot ang dalang kotseng Mazda subalit agad itong tinugis ng mga pulis.

Nang masukol, bumaba ito ng sasakyan at nakipagbarilan sa mga humahabol na pulis na agad din nitong ikinasawi.

Narekober sa mga napatay na suspek ang apat na sachet ng shabu at 2kalibre 45 baril. (Ronilo Dagos/Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.