Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buhay tinaya ni mister sa inaping misis

0 612

Nagmistulang kinatay na baboy ang isang mister nang pagsasaksakin ng kutsilyong tabak matapos sugurin ng kanyang kapitbahay na sumipa sa kanyang misis sa Barangay Payatas sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi.

Sa report sa Criminal Investigation and Detction Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD, ang biktima ay si Artagnan Jonel Barros, 36, walang trabaho.

Agad namang nadakip ang suspek na si Joshua Capariño, 20, binata, auto mechanic, kapwa taga-Dama De Noche Street, Barangay Payatas, QC, habang nakatakas naman ang kasama niyang nakilala lang sa alias ‘Boboy Confiado’.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Sonny Llaguno, ng Batasan Police Station 6, ng Quezon City Police District (QCPD), ang insidente ay naganap sa IBP Road alas- 2:20 ng hapon.

Ayon sa misis ng biktima na si Merile Burgos, pauwi na umano siya nang harangin ng suspek na si Capariño ukol sa tiyahin nito na madalas bumisita sa kanilang tahanan.

Nagtalo sina Burgos at Capariño hanggang sa sipain ng dalawang ulit ng suspek ang misis ng biktima.

Umuwi si Burgos at nagsumbong sa mister kaya sinugod ni Barros hanggang sa magsuntukan.

Naawat naman ang dalawa ngunit muling nagkagirian kung saan dumating si Confiado at iniabot ang ‘sword knife’ na ilang ulit ipinansaksak ni Capariño kay Barros kaya namatay. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.