Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buhay tinaya sa apoy para kay utol

0 121

Isang binata ang nagbuwis-buhay matapos iligtas ang dalawa niyang nakababatang kapatid sa nasusunog nilang bahay nitong Lunes sa Davao City.

Kinilala ang biktima na si Arhaman Usman, 18. Natagpuang ang bangkay nito ng mga bumbero matapos na ma-trap sa nasusunog na bahay sa Barangay 23-C Davao City.

Sa ulat ni SFO1 Padang Jovi, ng Davao City Central Fire Station, alas-tres ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa Barangay 23-C.

Nabatid na binalikan ng binata ang dalawang kapatid na naiwan sa nasusunog nilang bahay.

Nailigtas naman ito ng biktima subalit sa kasamaang palad ay na-trap ito at hindi na nakuha pang makaalis sa natupok na bahay.

Umabot naman sa mahigit 100 kabahayan ang natupok kung saan idineklara itong fire under control alas-siyete ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Davao City at salaysay ng Barangay Captain na si Wating Usman, nagpausok umano ang mga residente gamit ang tray ng itlog dahil sa dami ng lamok at ito umano ang naging dahilan ng sunog. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.