Abante Tonite Interactive

BUHAYANI Marching Band Competition

139

GAGANAPIN ang BUHAYANI Marching Band Competition 2017 bukas (Sabado) ng 2:00 PM sa Calamba City, Laguna.

Pasiklaban dito ang 10 banda ng bayang magiliw.

Ang parada ay magsisimula sa Calamba Medical Center (Crossing) at magtatapos sa Calamba City Plaza (Bayan).

May exhibition sa harap ng Puregold, Bahay ni Mayor at Museo ni Rizal.

P100,000 ang premyo ng 1st prize.

P75,000 ang nakalaan sa 2nd prize.

P50,000 ang makakatamit ng 3rd prize.

Ang pitong ‘Thank You Bands’ ay may pampalubag-loob na P10,000.

‘Di ba, Ruval Magpayo at Konsehal Gigi Alcasid?

Ang BUHAYANI ay taunang festival ng Calamba City bilang pagpaparangal sa mga bayani ng lungsod, na pinagmulan ni Dr. Jose Rizal.