Abante Tonite Interactive

Buhayin ang Kadiwa store

356

By Dindo Matining

Pinabubuhay ni Senador Imee Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay ng Kadiwa store sa bansa para matugunan ang problema sa mataas na presyo ng mga bi-lihin na kinakaharap ng mga maliliit na mamimili at mabawasan ang antas ng mahihirap.

“Kahit mura ang bigas at sinasabing mababa ang inflation, mahal pa rin ang ibang bi-lihin lalo na ang asukal, karne at iba pa. Mala- king dagok ito sa mahihirap dahil halos 60% ng gastos nila napupunta sa pagkain,” anang senadora.

Naniniwala si Marcos na bibigyang-diin ni Duterte ang pagresolba sa isyung ito sa kanyang State of the Nation Address ngayong Lunes nang hapon.

“Isa ang Kadiwa sa nakikita nating solus-yon para matulungan ang maliliit nating mga kababayan. Sobrang mahal ng mga bilihin at malaking tulong kung bubuhayin muli ng Pangulo ang Kadiwa at ipakalat ito sa mga komunidad, partikular na sa mga depressed a­reas,” saad ng senadora.

Dapat umanong direkta ang pag-angkat ng gobyerno sa mga pabrika o manufacturer pati na ang pagbili ng gulay sa mga magsasaka, isda sa mga mangingisda, at maging sa mga hog at poultry raiser para maibenta ito ng mura sa publiko.

Sa pamamagitan aniya ng Kadiwa store, hindi na maabuso ng mga tiwaling traders o middleman ang mga pangunahing bilihin na ititinda dito.

“Kailangang umpisahan na kaagad ang Kadiwa store sa Metro Manila at sa mga susunod na araw ay sa buong Pilipinas na ito gawin. Siguruhin ding merong mabibiling NFA rice ang ating mga kababayan sa ipakakalat na Kadiwa,” pahayag pa ni Imee.

Ang Kadiwa store ay pinalaganap noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos para matulungan ang mga mahihirap na mamamayan na makatugon sa mataas na presyo ng mga bilihin.