Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buhok ni Wade ‘nag-apoy’

0 229

KUNG ano-ano nang eksperimento ang ginagawa ni Dwyane Wade sa kanyang buhok.

Noong mga nagdaang buwan ay samu’t saring kulay na ang dumampi sa hairdo ni Wade, ngayon ay bagong angas naman ang masisilayan sa buhok ng Miami Heat legend.

Sa tulong ng hairstylist na si Jared Esguerra, nagkaroon ng ‘apoy’ sa buhok ni Wade, na halos pumantay na sa mga dating kakaibang hairstyle ni five-time NBA champion Dennis Rodman.

Sa harap ay tila normal lang ang buhok ni Wade, ngunit kapag tumalikod ay makikita na ang apoy na disenyo, na tila kawangis ng logo ng Heat. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.