Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buhos ang suporta kay Eleazar sa Senado

0 192

Sa hanay ng mga tumatakbong senador, maraming luma, may mga nagbabalik at marami ring bagong mukha.

Unang-una sa bagong mukha ay ang masipag at malaking impluwensiya sa pagbabalik ng mga matitinong pulis ay si retired General Guillermo Eleazar na sasabak na rin sa Senado.

Noong una ay hindi ko aakalaing papasukin ni Gen. Eleazar ang mundo ng politika dahil kung tutuusin ay made na ito. Kumpletong rekados na siya dahil natupad nya ang kanyang pangarap para sa PNP.

Naitama ang mga mali at nabigyan ng pagkilala ang mga karapat-dapat na pulis kaya lalo siyang minahal ng sambayanang Pilipino.

Kaya hindi ako magtatakang dagsa ang sumusuporta sa kanyang kandidatura sa pagka-senador.

Mantakin ninyong pati si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ay tumaya kay General at hayagang nagsabi na umaasa siyang mananalo sa senatorial race ang dating hepe.

Ayon kay Locsin, panalo ang bansa sa pagpasok ni Eleazar sa politika dahil sa hangarin nitong isulong ang mga reporma sa PNP gayon na rin sa buong bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I won’t wish you luck Gen. Eleazar. The victory of a man of your quality shouldn’t be left to luck. I wish our country luck that you win,” ani Locsin.

“You showed it can be done: Police power as it should be to achieve its purpose of public’s security and society’s peace,” ayon pa beteranong mamamahayag.

Maliban kay Locsin ay nagbigay suporta rin sa pagtakbo ni Eleazar ang mga Pinoy mula sa lahat ng antas ng pamumuhay, kabilang ang mga pamilya ng mga biktima ng tinatawag na extrajudicial killings at mga grupo ng mga operator at tsuper ng mga pampublikong sasakyan na nasaksihan ang matinong pagtupad sa tungkulin ng heneral noong ito ay nasa PNP.

Sabi nga ni Eleazar, nagdesisyon siyang pasukin ang politika dahil napakadaling sabihin na kaya gusto niyang tumakbo ay para makatulong sa ating mga kababayan at ipagpatuloy ang pagsisilbi bilang lingkod bayan.

“But for me, it all boils down into the deep connection between the real motivation and the capability to deliver from that motivation.”

Malinaw ang hangarin para sa bansa ng heneral kaya hindi lang dapat ito isama sa mga iboboto kundi dapat gawin nating number 1 sa Senado si General Eleazar dahil bukod sa bagong mukha ay may mga pruweba na itong para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino ang kanyang prayoridad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.