Abante Tonite Interactive

Build, build, build inayawan na

764

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na gami­tin ang temang ‘Build-Use, Build-Use, Build -Use’ sa halip na Build, Build, Build sa mga major infrastructures ng gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng dalawang power plants sa Sarangani Province, sinabi ng Pangulo na hindi niya kailangan ang Build, Build, Build.

Nais itong palitan ng Pangulo ng Build-use, Build-Use, Build-use para maipakitang naga­gamit at napapakinabangan ng mga Pilipino ang mga itinatayong mga imprastruktura sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi magandang pakinggan ang Build,Build, Build dahil tunog aniya ito ng ‘bilbil’ na naging dahilan para magtawanan ang mga bisita sa ina­gurasyon.

“Isa pa tong P***. Sabi ko sa kanila hindi ko kailangan ‘yang Build, Build, Build. Do not give me that kind of shit. I want Build Use, build Use, Build Use. Eh kung Build, Build, Build lang, para kayang bilbil na naka… tsk! you know bilbil it… malaki ‘yung puson na naka…,” anang Pangulo.

Sa kabila ng tila pagbibiro, nagparamdam ang Pangulo sa mga nagpapatakbo ng bagong mga planta at hinikayat ang mga taga-Sarangani na magsumbong sa kanya kapag nakaranas ang mga ito ng sunod-sunod na pagkawala ng supply ng kuryente sa kanilang lugar. (Ai­leen taliping)