Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Build, Build, Build Taguig

0 623

Ang Taguig ay kilala bilang isang probinsiyudad na napapalibutan ng mga bukid at palaisdaan, pero ang Taguig ay kilala rin sa pagiging isang highly urbanized na lungsod sa Metro Manila.

Kaya naman bilang paghahanda sa new normal at unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ngayong bumababa ang mga kaso ng COVID-19, tuloy tuloy tayo sa pagpapatayo ng iba’t ibang infrastructure projects sa Taguig para maging mas maayos at mapabuti pa ang paghahatid ng serbisyo sa mga Taguigeños.

Nagsilbing modelo ng lungsod ang Build, Build, Build program na orihinal at mahusay na pinasinayaan ng pangulo. Yumabong din ito sa Taguig at nakatulong sa patuloy na pag-unlad ng lungsod.

Bukod sa mga kalye at tulay na bumubuo sa imprastraktura, kasama rin dito ang mga gusali na pakikinabangan ng mga mamamayan at magsisilbing espasyo para sa mga negosyo, programang pangkalusugan at edukasyon na mahalagang prayoridad din ng lokal na pamahalaan ng Taguig.

Pinapatayo ng lungsod ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSME) at Job Center para magbigay suporta sa maliliit na mga negosyo. Dito ay mabibigyan sila ng financial assistance para sa kanilang puhunan at training para sa tamang pamamahala ng kanilang pondo.

Nagpapatayo rin ang lungsod ng apat na multi-level public markets. Ang mga pamilihang bayan na ito ay magiging permanenteng tindahan ng mga vendors kaya mas magiging sigurado na ang kanilang kita at kabuhayan. May magandang epekto rin ito sa mga mamimili dahil bukod sa mas mababa ang presyo ng mga produkto, tipid pa sila sa pamasahe dahil mas malapit na sa kanila ang isa sa apat na public markets.

Sa serbisyong pangkalusugan, dodoble ang kapasidad ng Taguig-Pateros District Hospital (TPDH) na lokal na ospital ng lungsod dahil sa extended 5-storey Pink Building nito na tinatapos habang pandemya. Ang Pink Building ay gagawing dedicated na pasilidad para sa pagtutok sa kalusugan ng mga kababaihan. Ililipat dito ang social hygiene drop-in center at magkakaroon ito ng chemotherapy at breast clinic.

Sa 2022, magbubukas na rin ang Taguig General Hospital sa C6 na isang state-of-the-art health facility at ang ikalawang LGU-owned hospital sa lungsod. Layunin ng bagong lokal na ospital na mapataas pa ang kapasidad at mapalakas ang healthcare system sa Taguig.

Isa sa ipinagmamalaki ng lungsod ang Lakeshore Complex and Trade Center sa Barangay Lower Bicutan na pwedeng gamitin para sa iba’t ibang city events tulad ng seminars at workshops. Magsisilbing evacuation at vaccination centers din ito para sa mga Taguigeños. Bukod pa ito sa tuloy tuloy na pinapalawak na public spaces kasama ang mga parks, outdoor ampitheatre, concert grounds at iba pang pasilidad sa Lakeshore Complex.

Binisita ko kamakailan ang SPED Center Complex sa Barangay Calzada-Tipas para sa children with special needs. Dito ay maaari silang magsaya, sama-samang matuto at magsagawa ng recreational activities. Kasama sa features nito ang consultation rooms, classrooms, function halls, comfort rooms, garden at pool. Kadugtong nito ang malaking public park and creative center, isang pasilidad para sa pagtuturo ng creative arts sa kabataan.

Para naman sa seguridad at kaligtasan ng mga Taguigeños, ongoing ang pagpapatayo ng community centers sa Taguig na may special features tulad ng police detachments, safe zones, emergency evacuation center, materials recovery facility (MRF), government offices at covered courts na may calisthenics area.

Bilang parte ng good governance agenda ng Taguig, nagpapatayo ngayon ng New Taguig City Hall sa Barangay Ususan para mapabuti pa ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaang lungsod sa publiko. Unang tinatapos ang People’s Convention Center na magiging daungan ng malalaking events, conferences at seminars para sa lungsod.

Sa Taguig People’s Cemetery sa Barangay San Miguel ay tapos na ang pagpapatayo ng columbarium at sa 2022 naman inaasahang matatapos ang crematorium. Sa sementeryong ito ay mayroong 10 viewing chapels at free burial services. Kasama rin sa features nito ang park na may jog paths at building na may burial vaults.

Tinitiyak ng lokal na pamahalaan na napapatupad ang Responsive, Relevant, and Resilient Infrastructure (RRR) agenda ng Taguig. Kapag natapos ang mga karagdagang imprastraktura ay tiyak na pakikinabangan ito ng mga Taguigeños.

Ang pagpapatayo ng mga kapaki-pakinabang na imprastraktura ay isang mabisang paraan para sa pagpapalago ng ekonomiya, panunumbalik ng mga trabaho at maayos na pamumuhay patungo sa new normal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.