Abante Tonite Interactive

‘Build projects’ lalakas sa suporta ng ADB — Duterte

443

Gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na pa­lakasin pa ang pagtutulungan ng pamahalaan at Asian Development Bank (ADB) para isulong ang pag-unlad ng bansa.

Ipinahayag ito ng Pangulo nang mag-courtesy call ang bagong presidente ng ADB na si Masatsugu Asakawa sa Department of Finance (DOF) noong Lunes.

Nais ni Pangulong Duterte na mapalakas pa ang partnership ng pamahalaan at ADB para sa Build, Build, Build program ng administrasyon upang magkaroon ng partisipasyon ang pribadong sektor sa mga proyekto ng gobyerno.

Kasabay nito, binati rin ng Pangulo si Asakawa dahil sa pagkakahalal nito noong Enero bilang bagong presidente ng ABD at nagpahayag din ng pasasalamat sa patuloy na suporta ng bangko sa Pilipinas. (Prince Golez)