Abante Tonite Interactive

Bukidnon dinomina ang 1st Luzon Cup

0 230

Tinabunan ng Bukidnon Football Association ang One La Salle, 2-0, para makopo ang overall championship 1st Luzon Cup Under 12 Football Tournament na dinaos ng Negros Occidental Football Association (NOFA) sa pakikipagtulungan ng Central Luzon Football Association, Philippine Sports Commission (PSC), ­Department of Education (DepEd) Tarlac, at ng provincial at city governments ng Tarlac.

Ginanap nitong Nobyembre 22-24 sa Jose V. Yap Sports and Recreational Complex sa San Jose, Tarlac, ang Luzon Cup ang ikatlo sa serye ng soccerfest ng NOFA para sa Under-12 / Under-13 boys, at inaasahang may national finals sa unang quarter ng 2020.

Ginanap ang unang dalawang NOFA Cup na nasa pang-apat na edisyon na sa taong nitong summer at ang ikalawa, ang Mindanao Cup ­nitong Oktubre. Ang Bukidnon FA namayagpag sa Mindanao Cup and na nagpa-qualify sa Luzon Cup.

Ang top winners ng Luzon Cup’s First Division (Cup) ay ang One La Salle Salle, first runner-up; Rizal Football Association Quezon City, second runner-up; at Masbate Football Association, third runner-up.

Nadale ng ­Cordillera Football Association–Baguio ang Division 1 Plate Championship, kasama ang Central Bicol ­Regional Football Association na ikalawa; Laguna Football Association na ikatlo at Youth Football Academy Muntinlupa na pang-apat.

Pinasalamatan nina CLFA President Alvin Yalung at General Secretary Ed Flaminiano si NOFA President Ricardo “Ricky” Yanson Jr. sa pagpapalawak sa Luzon Cup lalo’t naging unang age-group tournament ito sa rehiyon sa tatlong taon. (Aivan Episcope)