Abante Tonite Interactive

Bukidnon niyanig ng magnitude 4.3

148

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Bukidnon, Sabado ng umaga.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), namataan ang episentro ng lindol sa may tatlong kilometro ng Northwest Kadingilan bandang alas-9:36 Sabado ng umaga.

May lalim ang lindol na 11 kilometer at tectonic ang dahilan kung saan naramdaman ang intensity 2 sa Kadingilan, Dumulog at Kalilangan, Bukidnon, Kidapawan City, Cotabato City, Davao City at Wao, Lanao del Sur.

Naitala naman ang Intensity 2 sa Cagayan de Oro City, Intensity 1 sa Kidapawan City.

Wala namang naiulat na nasugatan sa naganap na pagyanig at walang naitalang mga aftershock. (Vick Aquino)