Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buking ng NBI: ‘Pastillas’ gang tubos modus sa Chinese

0 307

Hindi lang umano sangkot sa madaling pagpapapasok ng mga Chinese national sa bansa ang ‘Pastillas’ gang, dahil mayroon din itong ‘tubos system’, ayon sa reklamong hinatin ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa NBI, ang mga Chinese na hindi kumuha ng Pastillas service at sinubukan na pumunta sa regular na sistema ay dinala sa kostudiya ng Travel Control and Enforcement Unit. “The Code-R or the Tubos system. If the incoming Chinese passenger is not on the “list”, he/she will be referred to the TCEU which will, in turn wait until somebody shows up on behalf of the foreign passenger and pay for his entry,” ayon sa reklamo ng NBI-Special Action Unit (SAU).

Ginagawa ang tubos system upang hindi magpunta sa regular na proseso ang mga travel agency na umiiwas sa pagbabayad sa Pastillas syndicate, sabi pa ng NBI, “If no one shows up and pay on behalf of the Chinese passenger is denied visa upon arrival rule and denied entry to the country.”

SM food to go Banner Ad

Nitong Huwebes, naghain ng panibagong kaso ang NBI-SAU laban sa 86 na dati at kasalukuyang opisyal ng Bureau of Immigration, kabilang na ang mga umano’y mastermind.

Ang unang kaso ay hinain ng NBI nitong Setyembre laban naman sa 19 officer na inakusahang sangkot sa multi-bilyong Pastillas money-making scheme sa tatlong airport sa bansa.

Sinuspende na ng Office of the Ombudsman ang 44 immigration official na inuugnay sa Pastillas group, gayunman, ayon sa dalawang whistleblower, nagkalat ang mga miyembro ng sindikato sa mga pangunahing airport.

Ayon kay Senador Risa Hontiveros, tinatayang aabot sa P40 bilyon ang kinita ng Pastillas syndicate simula noong 2017. Dito rin tumaas ang bilang ng mga dumadating Chinese. Aniya, nasa 4 milyon ang mga Chinese na nagtatrabaho sa iba’t ibang industriya sa bansa, karamihan ay nasa POGO. Dagdag pa ng mambabatas, mas malaki pa ang populasyon ng Chinese kumpara sa populasyon ng Quezon City, ang pinakamalaking lungsod sa bansa. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.