Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Buking sa CCTV: Aktor ninakawan ang ex-jowa

0 114

Sino itong aktor (kahit hindi siya talaga nag-evolve bilang tunay na aktor dahil hanggang ngayon ay hamunado o hindi pa rin siya magaling umarte) ang nahuli ng negosyante niyang ex-girlfriend sa cctv na minamating o ninanakaw niya ang mga alahas ng jowa niya kung saan nakatago ang mga ito sa kuwarto?

Magka-live in kaya ang dalawa noon, o puwede ring sabihin na natutulog lang si aktor once in a while sa bahay ng jowa niya, kaya libre siyang nakakagalaw doon.

Nalokah raw talaga ng vongga ang beauty ng ex-jowa ng aktor nang mapanood niya sa cctv, dahi matagal na raw nawawalan, take note, pieces of jewelry (not jewelries, mga dahlin’)!

Ang akala pa nga raw ng negosyante noon ay ang mga pobreng kasambahay niya ang gumegetlak ng mga alahas niya!

May pa-condo na nga raw noon, may pa-caruray at pa-hayop, ay, basta, hahaha, ang mayamang girlfriend dati ng aktor kuning-kuning sa kanya, tapos, in the end, pagnanakawan niya pa raw!

Hindi na raw nakuntento! Ang kapal daw ng fezlak! Kaya ayon, break it to me gently na siya ng girlash! Oo, hiniwalayan nga.

Hobby raw yata ng aktor na ‘to ang mang-jowa ng mga yayamanin at shalet (sosyal) na babae! Kaya trying hard at pilita mag-spokening dollar ang gold-digger na ‘to, kahit mali-mali at wrong grammar, ang sentence, and goes around the bush ‘pag ini-interview namin siya dati pa! In short, certified social climber!

Pagbakuna sa mga artista pinalagan

ng mga taga-Mandaluyong

SM food to go Banner Ad

Maraming mga Mandaleño o mga residente ng Mandaluyong ang nagtataka kung bakit maraming mga artista ang mga nagpapabakuna ng anti-Covid19 vaccine sa MandaVaxx sa Mega Mall, kahit hindi naman daw nakatira o nagtatrabaho ang mga ito sa naturang lungsod.

May mga taga-Quezon City, somewhere in the south, and in other cities outside of Mandaluyong pa ang iba.

Sa ngayon kasi ay maraming bilang pa rin daw ng mga lehitimong residente ng Mandaluyong at mga nagtatrabaho sa mga kumpanya sa siyudad ang hindi pa rin daw nate-text para sa schedule ng kanilang pagpapabakuna, kahit matagal na silang nakapagparehistro, ayon sa mga nakakausap namin.

Pfizer at Moderna pa raw ang mga natanggap na vaccine ng mga celebrity na hindi mga residente ng Mandaluyong.

Bukod sa kanila, marami pa raw plus-plus o mga kasama ang ilan sa kanila. Buong glam team pa raw yata! Kaya nalolokah raw ang ilang namumuno sa vaccine site.

Kaya nagtataka ang mga taga-Manda kung may tie-up din ba raw ang city hall sa kahit anong showbiz institutions, tulad ng sa kanila ni Pia Wurtzbach at ng LoveYourself, Inc. at ang isinasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at Mowelfund Institute para lalo pang maengganyo ang publiko sa pagpapabakuna laban sa Covid19 once they see their favorite stars having their vaccine.

Personally, mukhang hindi maganda ang ideya ng pagdidikit ng sticker sa bawat bahay sa lungsod ng Mandaluyong na nagsasabing bakunado na ang buong pamilyang nakatira sa loob ng isang tahanan, dahil paano kung may isang babaeng member of the family ang buntis na alam ng lahat, ng WHO at DOH na makakasama sa kanila ang anti-Covid-19 vaccine or sa ibang may mga karamdaman na hindi talaga advisable na mabakunahan?

Eh, ‘di hindi malalagyan ang bahay nila ng sticker na nabakunahan na ang lahat ng nakatira roon? Ang maaaring mangyari n’yan ay madi-discriminate pa sila ng mga kapitbahay nila that were all vaxxed, ‘di ba?

Like in the companies, no discrimination, ika nga, tama po ba, Justice Secretary Menardo Guevarra, Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Trade Secretary Ramon Lopez, at Mr. George Barcelon, president emeritus of the Philippine Chamber of Commerce and Industry?

Leave A Reply

Your email address will not be published.