Abante Tonite Interactive

Buking sa kapatid: Sarah-Matteo 1 year nang engaged

0 141

Habang maraming nag-aabang kung sa simbahan na nga ba ang tuloy ng relasyon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Walang kaalam-alam ang madla na isang taon na pala silang engaged sa isa’t isa.

Ito ang isiniwalat ng nakababatang kapatid ni Matteo na si Paolo. Binati niya ang kanyang kuya dahil sa wakas ay nilabas na ni Matteo ang matagal na nilang nililihim.

Aniya, “Congrats. They were engaged for about a year now. It was just a secret.”

Sa kanyang Instagram story, sinabi pa niya na wala umanong nakahalata sa sikretong engagement na nangyari sa kanilang ika-limang taon ng relasyon. Sey niya, “Nobody found out”.

Isang taon na pala silang engaged pero ngayon lamang sinuot ni Sarah ang kanyang diamond ring. Nitong Huwebes ay inanunsiyo na ni Matteo ang magandang balita.

Wala pa ring detalyeng ibinibigay kung kailan magaganap ang kasal. (Rona Ronda)