Abante Tonite Interactive

Bukod sa Honda: Aalis na Nokia, Wells Fargo

1,103

Nanganganib na mawalan ng hanapbuhay ng libo-libong Pilipino matapos ideklara ng ilang malalaking kompanya na lilisan na ang mga ito sa bansa.

Nasa 700 tauhan ang ­mawawalan ng trabaho gayong magsasara sa ang Nokia Technology Center Philippines sa Quezon City sa third quarter ng ­taong 2020.

Sabi ng Nokia sa isang ulat, na ­humihigpit ang kumpetisyon at ­lumalaki ang kanilang gastos, kaya ­kailangan na nilang magbawas ng mga research and development office para mapanatili ang kanilang operasyon.

Samantala, matatanggal sa trabaho ang 700 outsourced tech jobs sa US-based bank Wells Fargo & Co. Ayon sa isang ulat nitong Biyernes, Pebrero 21, nasa 50 tech worker na lang ang ititira sa pagtatapos ng taon dahil sa ­downsizing ng kompanya.

Nanganganib namang isara ang planta ng Nissan Philippines sa Sta. Rosa, Laguna kasunod ng 28% loss sa taunang kita nito, at pagbaba nang 6% sa global sales ng kompanya. May epekto sa kanilang “rock bottom” ang pagpapatalsik sa kompanya ng dating ­Nissan Chairman Carlos Ghosn.

Sinabi rin sa isang ulat na balak ng Nissan na magbawas ng kabuuang 12,500 empleyado nila sa Pilipinas,­ ­Indonesia at Taiwan.

Una nang naiulat na 650 katao ang mawawalan ng trabaho sa pagsasara ng planta ng Honda Cars Philippines Inc. sa Laguna. (SDC)