Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulacan buy-bust: 1-dosenang tulak nilambat

0 84

BULACAN-Labing-dalawang drug suspect, pito ay kabilang sa PNP/PDEA Watch List ang magkakasunod na nadakip ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation sa bayan ng Guiginto at apat pang munisipalidad sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Base sa report ni P/Major Rolando Geronimo, chief of police ng Guiginto Municipal Police Station(MPS)kay P/Col.Lawrence Cajipe,provincial director ng Bulacan PNP, nakilala ang naarestong sina Joshua Villafuerte y Vendiola; Marco San Pedro y Villasenor alias Maco; Jerson Cruz y Marcelo; Edison Manalastas y Pascual; Rodel Abraham y Sayao; at ang pitong nasa Drug Watch List na sina Norman Santiago; Redentor Palo; Cristopher Bersabe; Adrian Mendiola; Roberto Lopez; Leoven Gabriel at Luisito Cruz.

Nabatid na bandang alas 7:00 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang SDEU ng Guiginto police sa overall supervision ni P/Major Geronimo sa Barangay Poblacion,Guiginto.

Sunod-sunod ding nagsagawa ng anti-illlegal drug operations sa mga bayan ng Baliwag sa pangunguna ni P/Lt.Col.Jayson San Pedro,Baliwag police chief,bayan ng San Ildefonso sa pangunguna ng kanilang hepeng si P/Major Russel Dennis Reburiano at gayundin ang SDEU operatives ng bayan ng Angat at Sta.Maria na ikinaaresto ng isang dosenang drug suspects. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.