Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bulacan councilor, nag-sorry sa ‘body-shaming’

0 703

Humingi ng sorry ang isang barangay councilor sa Bulacan nitong Miyerkules matapos itong umani ng samo’t-saring kritisismo mula sa publiko dahil sa isang tarpaulin na kanyang inilagay sa inorganisa niyang community pantry.

Nitong Mayo 3, Lunes, ay nag-organisa si barangay councilor Marbin Garcia ng Maysantol, Bulakan, Bulacan ng community pantry. Pinost din niya sa kanyang Facebook account ang mga larawang kuha sa pantry.

Bagama’t maganda ang hangarin ng kanyang community pantry, napansin ng publiko ang tarpaulin na kanyang inilagay sa pantry na nagsasaad ng “Kumuha ng ayon sa laki ng suso.”

Ayon sa mga kritiko, isang uri ng body shaming lalo na sa mga kababaihan ang mensahe ng tarpaulin.

Dahil dito ay humingi ng paumanhin ang konsehal.

“Hindi namin naging layunin na makasakit ng damdamin o makabastos ng kahit sino lalo na ang ating mga kababaihan, dahil kagaya ng lahat sa atin, ako ay may ina, kapatid, at mga kamag-anak na babae na kahit kailan ay di ko nanaisin na mabastos,” saad ni Garcia sa kanyang Facebook post.

Nais lamang aniya niyang magpasaya ng tao kaya’t naisipan niyang ilagay ang tarpaulin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.